Archive for August, 2005

si ina

Monday, August 15th, 2005

Nasan ang liwanag akoy walang ma aninag

Nasan ang bukas wala na atang lunas

Nasan ang awa kaylangan pa bang mag makaawa

Nasan ang saya mundo ko puno ng dusa

Mandhid kaba nasan ang yung pan dama

Umiiyak siya na ririnig muba

Humihiyaw siya mukang na bingi kana

Gaano katagal siya aasa

O aking ina sukdulan na ang dusa

Sa mga anak niya na walana ng pag asa

Nasan kaba nung kay langan ka niya

O sadyang tumalikod na

       Maaawa kaba sa ating ina….

kung ma ibabalik lang…

Saturday, August 6th, 2005

Na san na nga ba??? San na nga ba ang mga ligaya’t saya,
ang mga kalungkutan tayo ang mag kasama???

San na nga ba ang mga pinag samahang ukit na ng tadhana???

Naaalala ko pa nung tayo ay magkakasama,
sana mga kaligayahan di na maputol pa…

Mga pinag samahang kulang na lang magkakadikit na
ang ating mga pusod ika nga ng iba…

Ang ating maliit na mundo sa simbahan ngayoy naglaho na
mga kantahan ay na wala na…

Iba’t ibang landas, ibat ibang hulas…

Na san na nga ba???

Ang sarap sariwain ang ating mga pinag samahan
pagkat yun ang panahon tayoy mga walang kupas…

Iisang diwa iisang hangarin iisang wika iisang adhikain
Maibabalik pa kaya mga panahong nakalipas…

Paalam mga kaibigan

Saturday, August 6th, 2005

Paalam mga kaybigan sa magaganda nating pinag samahan

Paalam sa oras ng mga halakhakan

At sa mga panahong nating na pag daanan

Sa mga pa kikisamang hindi ko malilimutan

Sa mga pag aasar nadi maiiwasan

Paalam aking kaibigan

Sa mga lugar nating na puntahan

Sa mga pag subok nating na pag daanan

At sa mga problemang pilit nilulusutan

Sa mga sakit at hirap

Sa lungkot at dusa at sa munting kalokohan

Tayo ang mag kakasama

Paalam kaibigan sa mga hangaring dati ay iisa

At sa mga relasyong nag ka sulutan  pa

Paalam kaybigan sa musikang kinantat pinakinggan

At sa walang humpay na tugtugan

Sa mga larawang di maluluma ng panahon

Tulad ng pag kakaibigan natin noon

Patawad mga kaibigan sa mga pag kukulang di natin maiiwasan

Sa mga tampuhan kasama sa ating samahan

Sa mga paniniwala di na matanggap ng iba

Sa mga pag babagong masama para sa kanila

Sa mga edolohiyang wala sila

Kung maibabalik lang naten diba

Mga panahong lipas na

      Ng kahapon Kasama ng ngayon…………

“Bangungot”

Thursday, August 4th, 2005

          Ano kaya ang ginagawa nya ngayon na iisip nya kaya ako ako lang ata ang  nag iisip sa kanya heto ko ngayon nakatingin sa oras nag hihintay hangang sa lumipas. Nag iisip sya ay tatawagan nag iisip kung sya ay pupuntahan kung pwede lang sana masilayan ko ang kanyang muka ay para na kong bata na titigil sa pag uwa, bakit ikaw ang na sa isip bakit ikaw ang syang panaginip noon diko alam ang kahulugan ng salitang mahal, ano nga ba ang salitang mahal, marunong nga ba ako mag mahal e bakit ako na sasaktan kung masarap mag mahal o sadyang di nya lang  ako mahal, ang hirap isipin na syay di mapapasakin parang ang buhay ko ay kanilang kukunin.

         Nais kong malaman ang kahulugan ng pag mamahal na tanging sayo ko lang ma kakamtan na mahawakan mo lang ako para akong matutunaw para nakong binabangungot na ayaw kona magising, ang ayaw ko siyang makitang umiiyak dahil parang ang puso koy mabibiyak dahil gusto ko siyang makitang tumatawa gusto ko siyang masaya unlang………..

isang kamulatan

Tuesday, August 2nd, 2005

                                                      

Nag punta nga pala ako sa UST {university of santo tomas} nung kama kaylan tungkol sa isang pag uusap medyo na huli pa nga ako ng dating nag sisimula na kasi yung forum ng makarating ako may manga international delegate nga pala na dumalo sila yung mga nasa mga harapan at sila yung maa lalahad ng mga sinabi sa kanila ng mga taga tribo.

Isa sa na kakuha ng atension ko ay isang australiano  isa syang myembro ng WCC {world council of churches}isa sya sa mga kasama na umakyat tribo ng mga manobo kasama ang iba pa, galit nyang ikinikwento ang kanyang mga nalaman kasama ang mahirap nilang pag akyat sa mabato at maputik na daanan pa puntang tribo.

Ang unang nag salita sa tribo ay isang siyam na taong gulang na bata sa kanyang murang edad diko lubos maisip na nang yayari pala sa isang musmos ang ganong troma, nang mag sasalita na ang bata ang tagal niyang naka tayo matagal din bago  siya nag  salita  dahil narin siguro sa tila bangungot na nang yari sa kanya, at unti unti naring nag bukas ang kanyang mga labi kasama ang walang tigil na pag patak nang kanyang luha.

Nagulat ang lahat ng biglang may na rining silang putok ng baril kasabay nang pag datingan ng mga sundalo at pilit silang pinapaalis sa mga lupa ng kanialng mga ninuno lahat ay nataran lahat at nasindak sa takot! Na nginginig na nilahad ng bata na may mga sundalo na lumapit sa kanya ang siya ay hinatak at sinakal sabay ang pag tutok ng punyal sa kanyang leeg at sabi ng isa sa mga sundalo ay Patayi na yan dahil pag laki nyan NPA yan at pina hukay siya sa lupa gamit lamang ang kanyang dalawang kamay at sabi ay dun daw siya lilibing, mga katagang tumatak sa isipan ng musmos.

Lahat ay natahimik at mga patagong pinahid ang kanilang mga luha, naka pa ngingilabot ang nilahad ng bata na sa kanyang murang edad ay naranasan nya yun, isang karanasan na ayaw kong mang yari sa mga pamangkin ko at sa magiging anak ko na imbes mag laro at mag aral, sa kanilang murang kaisipan ay ganon ang mangyayari, kinuha nila ang kanyang kamusmusan maging ang kanyang kabataan.

At may isang ginang ang tumayo pag katapos ng pag sasalita ng bata  siya naman ang nag salita isang pag lalahad na nakapang hihina ng katawan dahil narin sa pag dating ng mga sundalo at sapag papalayas sa kanila sa kanilang  tribo kasabay ang walng habas na pag papaputok ng kanilang mga baril, kasama ang kanyang apat na anak ang ang kanyang asawa dahil narin sa takot sila ay tumakbo papalayo sila ay napag kamalang tumatakas sila ay pinag babaril dahil sa takot masaktan ang kanyang anak pinang harang ang kanyang sarili at sya ang tinamaan, sa layo ng hospital labing pitong kilometro dahil sa dame mga military check point ang tagal ng biyahe hindi na naka abot ng buhay ang kanyang asawa.

Kinuha muna ang lupa maging ang kanilang kabuhayan kasama ang halige ng kanilang pamilya at ang pag patay sa kaisipan ng isang musmos ang pag nakaw sa kanyang kabataan, para na silang mga mistulang mga patay buti pang namatay kasama na ang hirap at dusa ng buhay isang kamulatan mga pag lalahad na puno ng hirap at dusa imulat ang  ating mga puso maging ang ating kaisipan sa mga nang yayari sa ating kapaligiran

He has shown you, O mortal, what is good, and what does the Lord require of you but to do justice, and to love kindness, and walk humbly with your God? {Micah 6:8, NSRV}